Buyonline.ph

Daily Devotion

It's Called Choice

He place one scoop of clay upon another until a form lay lifeless on the ground… All were silent as the Creator reached in Himself and removed something yet unseen. It's called 'choice'. The seed of choice.

More


 Buyonline.ph Premium Product

Pitong Sikreto ng Masayang Tahanan

by Joey Umali


  P100.00



  P70.00 each *


* Delivery addresses within Metro Manila only
 Price is subject to change without prior notice

Ang 7 Sikreto ng Masayang Tahanan ay isang mahalagang pangyayari sa ating panitikan tungkol sa buhay-pamilya. Sa aking pagkakaalam, ito pa lamang ang unang aklat ng napapanahong pag-uugnay ng pinakamakahulugang bahagi ng buhay-pamilyang Pilipino sa Pitong Huling Wika ni Hesus doon sa krus.

 

May bahaging talambuhay sa estilo ng pagkakasulat, personal ang inspirasyon, makaranasan ang paglalahad, at ibinatay sa Salita ng Diyos, kaya naiiba ang pag-uugnay na psycho-spiritual. Hangga’t maaari, nawa’y magkaroon ng daan sa mas maraming tahanan ang aklat na ito.

 

Fr. Ruben M. Tanseco, S.J.

Pangulo, Center for Family Ministries Foundation

 

Kanlungan ng pag-ibig at pagpapatawad. Lugar ng galak at kaligtasan. Kublihan ng kaaliwan at kapahingahan. Sentro ng kalayaan at pagtanggap. Wow, parang tulad iyan ng “isang munting langit dito lupa.” May ganito bang klaseng lugar? Ang nakamamanghang aklat ni Pastor Joey Umali ay naghahayag sa atin ng napakahalagang sikreto upang ang iyong tahanan at ang aking tahanan ay maging ganitong klaseng lugar! Bilang isang ministry leader, nakabasa na ako ng ilang aklat tungkol sa buhay-pamilya, pero sana’y nagkaroon na kami ng aklat na ito noong bago pa lamang kami nagsisimulang magpamilya ng aking maybahay! Ang aklat na ito ay dapat basahin ng bawat asawang lalaki at maybahay, ng bawat ama at ina!

 

Bishop Jovie Galaraga

            President, Charis Communications

                        JIL International Bible College 

Overseer, Living Way Churches & Ministries

No customer comments for the moment.

Only registered user can post a new comment.